DRUG SUSPECT, NAPATAY SA ANTI-DRUG OPS

NORTH COTABATO – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban umano sa buy-bust operation sa Purok Mabuhay, Barangay Marbel, sa bayan ng Matalam sa nasabing lalawigan, noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Celso Tauro, 32, nakatira sa nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nang matunugan ng suspek na pulis ang katransaksyon, agad itong bumunot ng baril at nakipagbarilan sa operating team.

Isinugod ang sugatang suspek sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. (BONG PAULO)

201

Related posts

Leave a Comment