DUGYOT NA SLAUGHTER HOUSE SA SAN JUAN ISINARA

NOTICE CLOSE

IPINASARA ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang pribadong slaughter house makaraang madiskubre na direkta nitong itinatapon ang kanilang mga dumi sa ilog ng San Juan, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ipinad-lock nina DENR Secretary Roy Cimatu at San Juan City Mayor Francis Zamora ang Mega Food and Stock Farm Incorporated na matatagpuan sa Barangay Kabayanan ng nasabing lungsod.

Bukod sa patatapon nito ng dumi sa San Juan River, nabatid na wala ring kaukulang sanitary permit ang nasabing katayan ng baboy, baka at iba pang livestock.

Maliban sa hindi pagkuha ng sanitary permit, wala ring waste water discharge at iba pang compliance certificate para makapag-operate nang legal ang ipinasaradong katayan.

Binigyang-diin ni Cimatu na tuluyan na nilang ikinandado ang dugyot na  slaughter house dahil sa ibat ibang mga paglabag, partikular sa pagtatapon ng basura sa ilog ng lungsod na diretso sa Manila Bay. NICK ECHEVARRIA

207

Related posts

Leave a Comment