DUMAYO SA TONDO PINAGBABARIL NG TANDEM

KRITIKAL sa pagamutan ang isang 36-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Huwebes.

Base sa ulat ni P/Major Carlo Lañosa, block commander ng Manila Police District-Tayuman Police Community Precinct, sakop ng Station 7, lumapit sa biktima ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo at kinausap ito.

Ngunit nagtalo ang mga ito hanggang sa habulin ng mga suspek ang biktima patungo sa Fullon St. sa Tondo saka ito pinagbabaril.

Ang biktima ay tinamaan sa ulo at dibdib ng mga bala mula sa 9mm na pistola.

Binubusisi ng mga awtoridad ang angggulong may kaugnayan sa bawal na droga ang insidente.

Napag-alaman ng pulisya na umano’y dayo lamang sa lugar ang biktima na mula sa Pampanga.

Natagpuan ng mga awtoridad ang isang pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng minananehong kotse ng biktima.

Nabatid pa na hindi kabisado ng biktima ang lugar dahil nakita sa cellphone na naiwan sa kotse, na gumamit ito ng navigation app para makarating sa lugar.

Lumitaw pa sa imbestigasyon na may dalawa pa umanong kasama ang biktima na basta na lamang bumaba ng sasakyan at hindi na bumalik. (RENE CRISOSTOMO)

 

215

Related posts

Leave a Comment