DUTERTE, PUTIN MULING NAG-USAP

IBINAHAGI ni Senador Bong Go ang nangyaring pag-uusap ngayong hapon nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Russian President Vladimir Putin.

Ani Go, alas-4:20 ng hapon, Abril 13 nang mag-usap sina Pangulong Duterte at President Putin via telephone call.

Napag-usapan aniya ng mga ito na mas palakasin pa ang pagsisikap ng dalawag bansa sa global fight laban sa COVID-19.

Kapwa aniya sumang-ayon sina Pangulong Duterte at Pres. Putin sa kahalagahan ng kooperasyon ng mga bansa na labanan ang pandemya.

“They also agreed that there is a need to work together to ramp up supplies and production of vaccines to meet the needs of our population,” ani Go.

Sa kabilang dako, napag-usapan din ng dalawang lider ang defense cooperation, energy, trade at investments.

“Patuloy pong nagtatrabaho ang pangulo at ang gobyernong ito para ipaglaban at mapabuti ang kapakanan ng mga Pilipino,” ang pahayag ni Go. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment