NAGSANIB-PWERSA sina Kyrie Irving at Kevin Durant sa 55 points sa 134-126 panalo ng Brooklyn Nets kontra Indiana Pacers, Linggo ng gabi sa New York (Lunes sa Manila), upang selyuhan ang seventh place sa Eastern Conference pati na ang paghablot sa home advantage sa play-in tournament.
Sa umpisa pa lang ng regular season finale, inakalang blowout win ang maitatala ng Nets matapos umabante ng 18 points sa first half.
Ngunit, nagtiyaga ang Pacers at nagawang maitabla ang iskor, 89-89, limang minuto pa sa third quarter, bago muling umarangkada ang Brooklyn.
Haharapin ng Brooklyn sa home game ng play-in ang Cleveland Cavaliers sa Martes. Ang winner, dederetso sa playoffs bilang No. 7 seed at lalabanan ang No. 2 Boston Celtics.
Mula sa combined 55 points, 35 puntos kay Irving, may kasamang seven rebounds at five assists mula sa 15-of-20 sa field.
Habang si Durant, nagsumite ng triple double 20 points, 10 rebounds at career-high 16 assists para sa Brooklyn, na may anim pang player na double figures.
“It’s been an up and down last few weeks for us — winning some games, losing some games,” ani Durant.
“I think we’re finding out who we are as a group and that’s always a good thing.”
Dapat sana’y mapunta sa defending champion Milwaukee Bucks ang No. 2 seed, subalit naunsyami nang matalo sa kamay ng Cavaliers, 133-115, Linggo ng hapon sa Cleveland.
Hindi lumaro sa Bucks ang mga key players na sina Giannis Antetokounmpo, Khris Middleton at Bobby Portis. Nagpakita sa laro si Jrue Holiday, ngunit matapos ang walong segundo nakakuha agad ng foul at tuluyang nilisan ang court.
Ayon sa ulat, ang pagsipot ni Holiday ay para lamang makulekta ang kanyang $255,000 bonus nakalagay sa kontrata kung makalalaro ng 67 games sa season.
WEST NO.3 INANGKIN
NG WARRIORS
MAINIT ang pulso ni Klay Thompson nang kumamada ng seven 3-pointers at umiskor ng 41 points at tuluyang hinablot ng Golden State Warriors ang third seed sa Western Conference playoffs matapos ang 128-107 win kontra New Orleans Pelicans.
Nagtala si Jordan Poole ng 22 points para sa Warriors, umabante ng 22 puntos sa second quarter at nagpakatatag hanggang dulo para isara ang regular season na may five-game winning streak.
Ang Pelicans, sa kabilang banda, nakatali sa ninth spot sa Western Conference, ay haharapin ang San Antonio Spurs sa Miyerkules para sa single-elimination play-in game.
Hindi nakalaro para sa Pelicans sina Brandon Ingram (right hamstring), Herbert Jones (bruised right tibia) at Jonas Valanciunas (sore right ankle) gayundin si top scoring reserve Devonte’ Graham.
Limang minuto lang din sumalang si starting guard CJ McCollum at ipinahinga na. Nanguna sa Pelicans si Naji marshall, 19 points, habang si reserve Gary Clark, may 17 points at 15 puntos mula kay rookie Trey Murphy III.
Nagawang maibaba ng Pelicans ang 29-point deficit sa 11 sa 3rd quarter, bago inilayo ni Thompson ang laro, nang umiskor ng 15 points sa loob ng limang minuto sa fourth period.
Tinapos ni Thompson ang spurt sa pamamagitan ng 11-foot turnaround, reverse layup at driving floater at nakakuha ng foul, kasunod ang 15-foot pull-up at magkasunod na tres tungo sa 108-86 lead.
Sa first half, nag-ambag si Thompson ng 21 puntos.
Iba pang game results: Charlotte Hornets 124 vs Washington Wizards 108; Atlanta Hawks 130 vs Houston Rockets 114; Los Angeles Clippers 138 vs Oklahoma City Thunder 88; Los Angeles Lakers 146 vs Denver Nuggets 141; Sacramento Kings 116 vs Phoenix Suns 109; Chicago Bulls 124 vs Minnesota Timberwolves 120; Dallas Mavericks 130 vs San Antonio Spurs 120; New York Knicks 105 vs Toronto Raptors 94; Utah Jazz 111 vs Portland Trail Blazers 80; Orlando Magic 125 vs Miami Heat 111.
NBA SCORING TITLE
KAY EMBIID
NAKAMIT ni Joel Embiid ang NBA scoring title para maging first Philadelphia player na nakagawa nito makaraan ang 17 taon, simula nang nakopo ni Allen Iverson ang titulo.
Hindi lumaro si Embiid sa 118-106 win ng Sixers kontra Detroit Pistons para sa finale ng regular season, upang protektahan ang kanyang 30.6 points per game.
Pumangalawa sa kanya si Milwaukee Bucks’ Giannis Antetokounmpo, hindi rin naglaro laban sa Cleveland, na may 29.9 ppg.
No. 3 overall pick sa 2014 draft, si Embiid ngayon ang ‘face of the 76ers’ rebuilding process’ o ‘The Process’ na ikinabit sa kanyang pangalan.
Patuloy ang pagdomina ni Embiid para maging isa sa mga contenders sa NBA MVP. Tinapos niya ang season na may nine-game streak kung saan umiiskor siya ng hindi bababa sa 20 points at may 10 rebounds.
Mayroon din siyang 12 games na may 40 points at 10 rebounds, para mapasama kina Russell Westbrook at Moses Malone na tanging mga manlalarong nakapaglista ng ganito karaming triple-double mula pa noong NBA-ABA merger noong 1976-1977.
Si Embiid din ang unang sentrong nagwagi ng NBA scoring title mula nang makamit ito ni Shaquille O’Neal noong 1999-2000.
“I don’t do a lot of campaigning, and I’m not going to sit here and do a whole bunch,” lahad ni 76ers head coach Doc Rivers. “I think Joel has campaigned enough with his play. He really has. I don’t think people realize how hard it is for a center to lead the NBA in scoring. It’s so much easier for guards because they have the ball and they can shoot whenever they want to. Centers are incumbent not only on getting the ball but they’re the easiest guy to get trapped as well.”
Ang 28-year old Cameroonian din ang unang Sixers player na naging All-Star starter sa limang sunod na season, maliban kay Iverson. Nakamit ni Iverson ang huling apat niyang scoring titles noong 2005-2006 season.
