HINAMON ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga retiradong opisyal ng militar na maglabas ng ebidensya kaugnay sa umano’y “third force” na nagbabalak ng kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Teodoro, walang nakakalap na impormasyon ang Department of National Defense (DND) hinggil sa nasabing banta.
“Kung may ebidensya, maghain ng affidavit para maimbestigahan,” diin ng kalihim.
Ang alegasyon ay iniugnay sa pahayag ni retired general Romeo Poquiz, convener ng United People’s Initiative, na nagbanggit ng umano’y “Kudeta Me” plot at civil-military junta.
Pero agad itong pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay AFP spokesperson Xerxes Trinidad, hindi nila binibigyang-pansin ang mga “unverified social media posts” at nananatiling tapat ang militar sa Konstitusyon.
Panawagan ng AFP, iwasan ang disinformation at panatilihin ang pagkakaisa ng bansa sa gitna ng umiigting na global crisis.
(JESSE RUIZ)
42 