EDSA RALLY MAY FOREIGN FUNDING?

SINISILIP ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may foreign funding ang kilos protesta na isinagawa sa People Power Monument sa EDSA, Quezon City.

Ayon kay Acting AFP Spokesperson Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bunsod ito ng umano’y “unusual” na logistical at financial support sa likod ng rally na pinangunahan ng United People’s Initiative (UPI) noong nakalipas na linggo.

“Sa monitoring ng AFP para sa iba’t ibang aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, napansin namin na kakaiba ang support system sa administrative requirements at iba pang pangangailangan ng mga kalahok,” ani Trinidad sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo.

Dagdag pa niya, “Ang paraan ng pag-organisa, ang suporta, ang pagkain at iba pang kagamitanβ€”grand ang preparasyon.” Sinabi rin niya na maaaring makita ang indikasyon ng pinagmulan ng pondo batay sa catering at iba pang pasilidad na ibinigay.

Tahasan namang itinanggi ni UPI convenor retired Major General Romeo Poquiz ang alegasyon. “Hindi nga namin mapakain ang mga sumama sa amin,” ani Poquiz.

Kasabay nito, patuloy ding sinusuri ng AFP at Department of the Interior and Local Government (DILG) kung maituturing na inciting to sedition ang ilang pahayag ng grupo sa nasabing kilos protesta.

(JESSE RUIZ)

66

Related posts

Leave a Comment