ELECTRONIC AND REGIONALIZED BAR EXAMS APRUB SA SC

SINIMULAN na ng Korte Suprema ang pag-institutionalize ng electronic at regionalized bar examinations bilang standard mode of admission sa legal practice sa pamamagitan ng pagbabago sa Rule 138 ng Rules of Court, o Amended Rules, sa isang resolusyon na may petsang Agosto 12, 2025.

Binanggit ng Korte Suprema na ang Amended Rules ay produkto ng isang “malawak na pag-aaral” na isinagawa ng Subcommittee on the Admission to the Bar, na pinamumunuan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Idinagdag pa ng Korte Suprema na ang bar examinees ay dapat sagutan nang personal ang mga tanong habang ang mga hiwalay na alituntunin ay maaaring ibigay ng Bar chairperson para sa mga may espesyal na pangangailangan.

Binigyang diin ng mataas na hukuman na ang “Amended Rules ay nagtataguyod ng isang patakaran ng pagiging inklusibo, pagiging patas, at walang diskriminasyon at tinitiyak ang integridad, kahusayan at ang pamamahalang batay sa teknolohiya ng bar examinations”.

Nabanggit din nito na ang mga eksaminasyon ay gaganapin sa loob ng tatlong araw sa buwan ng Setyembre sa itinalagang local testing centers sa buong bansa. Saklaw ng pagsusulit ang mga sumusunod na paksa:

Unang Araw–Umaga: Political and Public International Law

Hapon: Commercial and Taxation Law

Ikalawang Araw–Umaga: Civil Law and Land Titles and Deeds

Hapon: Labor Law and Social Legislation

Ikatlong Araw–Umaga: Criminal Law

Hapon: Remedial Law, Legal and Judicial Ethics, with Practical Exercises

Ang Korte Suprema, sa pamamagitan ng Bar Bulletin No. 1 na may petsang Oktubre 16, ay naka-iskedyul ng mga pagsusulit sa susunod na taon sa Setyembre 6, Setyembre 9 at Setyembre 13.

Nabatid na ang mga pagsusulit ay magkakaroon ng 20-essay type na mga katanungan, na ang bawat tanong ay binibilang nang hiwalay at ang mga sagot ay mamarkahan ng zero percent hanggang isang daang porsyento o limang porsyento bawat tanong.

Nauna nang sinabi ng Korte Suprema na ang 2025 Bar examinations, na ginanap noong Setyembre 7, Setyembre 10 at Setyembre 14, ay gumawa ng kasaysayan sa pagtatala ng pinakamalaking bilang ng mga nakatapos ng pagsusulit na may 11,425 na kumuha ng pagsusulit.

(JOCELYN DOMENDEN)

9

Related posts

Leave a Comment