SISIMULAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsala sa mga kandidatong naghain ng certificates of candidacy (COC) para sa national at local elections sa susunod na taon.
Muling tiniyak ni Comelec spokesperson James Jimenez na dadaan sa butas ng karayom ang mga kandidatong naghain ng COC upang matukoy kung sino sa kanila ang panggulo lamang o nuisance candidate.
Ipinaliwanag ni Jimenez na may iba’t ibang kategorya ang nuisance candidates, kabilang ang nag-file lamang para gawing katatawanan ang sistema, nag-file lamang para lituhin ang mga botante dahil magkapareho sila ng pangalan ng mas tanyag na kandidato, at iyong wala namang lehitimong intensiyong tumakbo para sa elective office kung saan siya nag-file ng kandidatura.
Sa pagsala sa mga kandidato, tinututukan ng Comelec ang campaign strategy, plataporma at iba pa, ayon pa rin kay Jimenez.
Nabatid na halos isandaan (97) ang naghain ng COC sa pagka-presidente, 28 ang vice presidentiables, 175 senatoriables, at 270 ang party-list.
Nitong Biyernes, Oct. 8, natapos ang paghahain ng Itinakda naman sa Nobyembre 15 ang deadline para sa substitution ng mga kandidato.
Idaraos ang national and local elections sa bansa sa Mayo 9, 2022. (RENE CRISOSTOMO)
