EMBIID NAGBALIK, INAKAY SIXERS LABAN SA HAWKS

HINDI nakalaro si Joel Embiid ng apat na laro sanhi ng left mid-foot sprain pero nagawang manalo ng Philadelphia ng tatlong beses.

Nagbalik si Embiid, Lunes ng gabi (Martes sa Manila) at iniskor ang final 11 points ng Sixers para mahablot ang 104-101 win kontra bisitang Atlanta Hawks sa Wells Fargo Center.

Kasama ang go-ahead jumper sa huling 18.6 seconds, nagposte si ­Embiid ng 30 points, eight rebounds, seven assists, two blocks at two steals.

Sa ikatlong sunod na laro ay umiskor naman sina Shake Milton at Tobias Harris ng higit 20 puntos. Si Milton ay may 21 points, seven assists at five rebounds, habang si Harris ay may 24 points at 10 boards.

Anim na player ng Hawks naman ang may double figures. Tinapos ni Trae Young ang larong may 18 points mula sa 6-for-14 shooting at 10 assists.

Nananatili namang nasa injury list sina James Harden, Tyrese Maxey at Jaden Springer sa kampo ng Sixers. At sina Bogdan Bogdanovic at Jalen Johnson sa panig ng Atlanta.

Sisimulan ng 12-9 Sixers ang three-game road trip sa Miyekoles sa Cleveland.

Sa simula ng laro, hindi agad nakapa ni Embiid ang kanyang rhythm. Ngunit isang block niya, kasunod ng steal ni De’Anthony Melton, ang nagpasimula sa 7-0 run ng Sixers.

Naging mainit din si Harris, swak ang apat ng kanyang first five field goals bagama’t hindi naging pantay ang execution ng team.

Makaraang ang turnover ni Melton, kumilos ang Hawks na tinapos ng dunk ni John Collins at nagbigay sa Atlanta ng 25-18 edge.

Bagamat pinaikot ni Embiid ang bola sa mga kasama, mayroon din siyang mga agresibong galawan, kabilang ang and-one layup kay Clint Capela na nagpatabla sa iskor, 75-all.

“I came in with the mindset to get my teammates involved, because everybody has had it going and they’ve been playing so well,” lahad ni Embiid matapos ang laro. “So I wanted to keep that going and find myself playing within that.”

225

Related posts

Leave a Comment