EMPLEYADO BUKING SA TANGKANG PAGPUSLIT NG MARIJUANA

CAVITE – Hindi nakaporma ang empleyado ng isang cold storage facility nang mabuking sa tangkang ipasok na pinatuyong dahon ng marijuana sa bayan ng Carmona sa lalawigan noong Huwebes ng hapon.

Hawak na ng Carmona Component City Police Station (CCPS ang suspek na si alyas “Rocky”.

Ayon kay Margie Bautista, Lady guard ng METS Cold Storage sa Brgy. Bancal, Carmona City, nagsasagawa siya ng body search sa lahat ng mga pumapasok sa naturang kumpanya nang biglang nalaglag ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuna mula sa bulsa ng pantalon ng suspek habang tinatanggal nito ang mga laman bandang alas-4:00 ng hapon.

Bunsod nito, pinigil ang suspek at dinala sa security office saka itinurn-over sa Carmona CCPS.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng 0.10 gramo na may standard price na P200. (SIGFRED ADSUARA)

1

Related posts

Leave a Comment