EPEKTO NG KAWALAN NG KURYENTE SA TURISMO, TINALAKAY

TINALAKAY nina ILAW Pilipinas Youth Convenor Francine Pradez at National Convenor Beng Garcia ang mga natuklasan kamakailan ng kanilang organisasyon sa kanilang ikalawang Focus Group Discussion (FGD) tungkol sa epekto ng blackout sa sector ng turismo ng Pilipinas.

Sa pulong-balitaan na ginanap sa Max Restaurant sa Malate, Manila, inilahad ng grupo ang resulta ng kanilang mga pag-aaral.

Ang ikalawang Focus Group Discussion (FGD) ay tumatalakay sa isyu ng kuryente sa tourism sector ng Island Garden City of Samal (IGACOS), Cebu, Siargao, at Puerto Galera.

Patuloy na isinusulong ng ILAW ang pagpapalaganap ng impormasyon hindi lang tungkol sa krisis sa kuryente kundi pati ang mga hinaing ng negosyo at mga konsyumer na apektado nito.

Bukod kina Garcia at Pradez, dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa regional Department of Tourism – Philippines. (DANNY BACOLOD)

14

Related posts

Leave a Comment