MAHIGIT dalawang linggo bago ang pagsisimula ng 45th PBA, tuloy pa rin ang adjustment na ginagawa ng iba’t ibang koponan bilang paghahanda sa All-Filipino Cup.
Pinakabagong kaganapan ay ang pag-trade ng NLEX Road Warriors sa kanilang star center na si Poy Erram at future first-round pick sa TNT.
Kasali rin sa three-team trade ang Blackwater Elite.
Sa deal na isinumite na sa PBA office at naghihintay na lang ng approval, ipadadala ng TNT si Marion Magat at first-round pick sa Blackwater kapalit ng future first-rounder.
Ang future first-round pick ng TNT, isa pang first-rounder, kasama si Anthony Semerad ang magiging kapalit ni Erram sa NLEX.
Ipadadala naman ng TNT ang newly-acquired player nilang si Ed Daquioag at isa pang first-rounder sa Elite.
Si Erram ay may average 10.4 points, 6.3 rebounds, at 1.4 assists per game sa nine appearances niya sa NLEX sa nakaraang Governor’s Cup.
