ES Rodriguez walang partisipasyon SERAFICA NADIIN SA ILLEGAL SO 4

(DANG SAMSON-GARCIA)

KUMBINSIDO si Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na walang kaugnayan si Executive Secretary Vic Rodriguez sa ilegal na Sugar Order No. 4 para sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.

Ipinaliwanag ni Zubiri na nang lumabas ang order na nilagdaan ni dating Agriculture Undersecretary Leo Sebastian sa ilalim ng pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, mismong si Rodriguez ang nabigay-alam nito sa Pangulo.

“About Executive Secretary, I absolutely do not believe that he is part of the plan. Why? Because he is the one who took it to the President and told the President this particular plan. Kung kasama siya dito bakit nya isusumbong kay Presidente? Kausap ko si Presidente, sabi ni Presidente ‘I was told by ES that there was such a plan, I cancelled that plan’,” paliwanag ni Zubiri.

Kasabay nito, kinumpirma ni Zubiri na naniniwala siyang dapat managot sa isyu si dating Sugar Regulatory Administrator Hermenegildo Serafica.

Iginiit ng Senate leader na kilala si Serafica sa industriya na notoryus sa pagpabor sa importasyon ng asukal.

Binatikos din ni Zubiri ang kabiguan ni Serafica na ipatupad ang Sugarcane Industry Development Act na naglalayong isulong ang modernisasyon at ibigay ang mga kinakailangang tulong ng sugar farmers.

Ipinaliwanag ni Zubiri na dahil hindi naipatutupad ni Serafica ang SIDA Law, natapyasan nang natapyasan ang budget ng programa na mula sa P2 milyon ay naging P600 milyon na lamang.

Batid din ng senador na madalas ay nagsosolo si Serafica sa mga desisyon na labag sa proseso lalo na sa importation orders.

 

134

Related posts

Leave a Comment