EX-NPA NA MAY KASONG MURDER TIMBOG SA PNP-AKG

NEGROS OCCIDENTAL – Isang dating kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder at frustrated murder, ang nadakip ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group Director P/BGen. Jonnel C. Estomo noong Biyernes ng hapon sa lalawigang ito.

Ayon kay P/BGen. Estomo, bandang alas-5:30 ng hapon, sinalakay ng mga tauhan ng PNP-AKG Visayan Field Unit, na pinamumunuan ni P/Col. Salvador T. Alacyang, ang pinagtataguan ng suspek na kinilalang si Nory Arquener Solinap sa Barangay Ma-oa, Bago City, Negros Occidental.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Maj. Ronald Lumactod, bitbit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Hon. Felipe G. Banzon, Presiding Judge ng RTC Branch 69, 6th Judicial Region, Negros Occidental, sa kasong pagpatay at bigong pagpatay, inilunsad ang law enforcement operation laban sa suspek, sa tulong ng PNP-AKG-Bacolod Team 6th Special Action Battalion PNP-SAF at Bago City Police Station.

Ayon kay Maj. Lumactod, si Solinap ay dating kasapi ng NPA Guerrilla Platoon, sa ilalim ng Roselyn Jean Pelle Command na kumikilos sa Northern Negros.

Sinamantala nito ang alok ng pamahalaan na sumuko at tanggapin ang Government Balik Loob Program at nang makabalik sa normal na pamumuhay ay luminya sa serye ng robbery/hold-up, gun for hire at robbery extortion activities sa Ma-ao Victorias, Silay at EB Magalonam, Negros Occidental.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) 1911 cal. 45 pistol loaded with one magazine with ammunition, tatlong (3) magazines para sa cal. 45, 17 live ammunition para sa cal. 45 at dalawang (2) live fragmentation grenade.

Agad na dinala sa Bago Police Station ang suspek para sa booking procedures habang patuloy angg imbestigasyon. (JESSE KABEL)

153

Related posts

Leave a Comment