FAULTY ELECTRICAL WIRING SANHI NG SUNOG SA PNP FORENSIC LAB

ITO ang inihayag ng Arson probers matapos ang nangyaring 20 minutong sunog sa Philippine National Police’s Forensic Group office sa Camp Crame, Quezon City noong Huwebes.

Ayon sa mga imbestigador, faulty electrical wiring ang nakitang pinagmulan ng apoy sa nangyaring sunog sa isang bahagi ng PNP Forensic Lab partikular sa firearms testing center ng PNP.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang alas-3:42 ng hapon na tumagal ng halos 10 minuto bago tuluyang idineklarang fire under control.

Wala namang nasaktan subalit kasalukuyan ngayong inaalam ang lawak ng naging pinsala ng nasabing sunog.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Randulf Tuaño, nag-umpisa ang apoy sa ballistic testing area, na halos katabi lamang ng explosive laboratory. (JESSE KABEL RUIZ)

5

Related posts

Leave a Comment