FEEDING PROGRAM NI CONG. ARJO ATAYDE UMARANGKADA

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

HINDI maitatanggi na talagang maraming bansot at gutom sa Pilipinas.

Ito’y dahil hindi sila nabibigyan ng tamang nutrisyon at marahil ay dahil sa kalamidad.

Hindi lamang ito dahil sa pandemya kundi ang iba’y dati nang halos walang makain kahit noong hindi pa pumapasok ang krisis. Kaya sa ganitong panahon ay mahalaga ang nutrition and feeding program.

Walang social arm ang ilang mga lingkod bayan pero nagagampanan nila nang maayos ang responsibilidad nila o trabaho sa kanilang nasasakupan.

Halimbawa na lamang diyan si Cong. Arjo Atayde. Kamakailan kasi ay inilunsad niya ang kanilang ‘Aksyon Agad Feeding Program’.

Layon ng programa na matugunan at maiwasan ang dumaraming bilang ng mga taong nakakaranas ng kagutuman at malnutrisyon sa lungsod, partikular sa Distrito 1, at ang mga halos walang makain dahil sa kalamidad.

Bagong upo pa lang si Atayde pero naglalaan agad siya ng pondo bilang pansuporta sa programa para sa kanyang mga constituents.

“Ako po ang inyong lingkod, Congressman Arjo Atayde kasama ang aking Ina na si Sylvia Sanchez ay personal na nagtungo sa Brgy. Katipunan upang magbigay ng Feeding Program sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha nitong nakalipas na araw,” wika ni Atayde.

“Tayo po ay sinamahan nila Kapitan Julious, Kgd. Chiqui ­Alcala, Kgd. Baby Boy Diaz, Kgd. Ambet Baral, Kgd. Ethao Legua Jr., SK Chairman Gary Curameng at mga barangay staff.”

Ayon kay Atayde, batid niya ang hirap at pasakit na dulot ng matinding pagbaha sa ­kanyang distrito kung kaya’t magsusumikap pa siya na mapabilis ang pagtugon sa ­problemang ito. “At sa pamamagitan din po ng inyong mga tulong ay maisakatuparan po natin ito sa mabilis na panahon,” pahayag pa ng batang kongresista.

Nakatutuwa na talagang binibigyang-pansin ni Atayde ang suliranin ng malnutrisyon at kakulangan sa pagkain nang sa gayon ay makatulong sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan at isipan ng mga taga-Distrito Uno.

Mabuhay kayo, Cong. Arjo Atayde, at God bless po!

143

Related posts

Leave a Comment