FIBA Olympic Qualifying Tournament GOOD NEWS, BAD NEWS SA GILAS

IBINALITA ni Gilas Pilipinas team assistant coach Jong Uichico na maaaring makapaglaro si Carl Tamayo kontra host Serbia sa Hunyo 30 at Dominican Republic sa Hulyo 1 (Hulyo 1 at 2, Manila time) ng FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Mayroong average eight points, 2.5 rebounds at one assist ang 20-anyos at 6-foot-7 forward sa two games sa FIBA Asia Cup Qualifiers final window sa Clark bubble.

Hindi na nakapaglaro si Tamayo sa second game laban sa Korea dahil sa sprained ankle, at maging sa tune-up game kontra Chinese national team.

Ngunit kung may good news ay may bad news din para sa pambansang koponan dahil nananatiling ‘day-to-day’ ang Filipino-American guard na si Dwight Ramos dahil sa groin injury.

Malaking dagok para sa Gilas kung hindi makapaglalaro sa OQT ang itinuturing ng marami na ‘best player’ sa national team.

Nagtala si Ramos ng ­averaged 13.8 points, 6.2 rebounds, 2.2 assists at 2 steals sa six qualifying games ng Asia Cup kung saan may perpektong 6-0 record ang Pilipinas.

Nabatid na nakuha ng 6-foot-4 guard ang naturang injury sa second game ng national team laban sa Korea.

Ito rin ang dahilan kaya’t hindi na siya nakasali sa tune-up game kontra China, na nagtapos sa tabla.

230

Related posts

Leave a Comment