Agad na prinoseso at klinaro ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang 15k na first batch ng Sputnik V COVID-19 vaccines ng bansang Russia na dumating sa bansa noong Mayo a-uno.
Ang Sputnik V vaccine na gawa ng Russia-based Gamaleya Institute ay inaprubahan noong nakaraang Marso ng Food and Drug Administration (FDA) para sa emergency use.
Ito ay ang pang 9th batch ng COVID-19 vaccines na klinaro at ini-release ng Bureau of Customs-NAIA.
Matatandaan na mabilis din na ini-release ng BOC na naunang dumating sa bansa gaya ng 3.5 million doses ng Sinovac at 525k doses ng AstraZeneca.
Ang pagdating ng Sputnik V vaccines sa bansa ay sinaksihan nina Secretary Carlito Galvez Jr., Health Secretary Francisco Duque III, Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlo, at Usec. Robert Borje, chief ng Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs .
Nauna rito, ay ipinag-utos naman ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero sa BOC Covax Special Handling Team na tiyakin na ang COVID-19 vaccine shipments ay bigyan ng prayoridad at pabilisin ang clearance at tulungan sa pagbabantay hanggang sa makarating ito sa storage facility.
Sa pamumuno ni District Collector Carmelita M. Talusan, tiniyak na ang Sputnik V vaccines ay precleared na sa kanilang BOC One Stop Shop para tiyakin ang mga dokumento na maproseso at maklaro ng mabilis dahil maselan ang mga ito sa oras at temperature sa pagbibiyahe.
Dahil dito, ang BOC NAIA ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa IATF para sa updates and guidelines.
(Joel O. Amongo)
