FOOD SECURITY AT PAGPAPABABA NG INFLATION, TUTUGUNAN NG SENATORIAL BETS NI PBBM

ILOILO CITY —-FOOD security at pagpapaba sa food inflation ang target ng administration senatorial bets na maisulong para sa bansa.

Sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na pangunahin niyang pag-aaralang maisulong ay kung paano ma-institutionalize ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng legislation.

Layun anya nito na makontrol at inflation at matanggal ang napakaraming middlemen kung saan dapat din anyang mag-intervene ang mga lokal na pamahalaan at sila na mismo ang bumili ng produkto ng Mga lokal na magsasaka.

Ganito rin ang pananaw ni dating Senate President Vicente Sotto III kasabay ng paggiti na dapat bilhin ng gobyerno ang 50% ng farm output.

Kinatigan din ito ni dating DILG Secretary Benhur Abalos at iginiit na dapat matiyak ang tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagtatatag ng loan facility at pagkakaroon ng crop insurance para maprotektahan sila sa pagkalugi kapag nasalanta ng kalamidad.

Sa panig ni ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, binigyang-diin na dapat bumuo ng mga batas upang solusyunan ang mataas na presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbibigay ng sustainable livelihood program at pagpapalawig ng ibinibigay na tulong sa mamamayan.

Inilatag din nila ang mga tutugunang lokal na isyu sa lalawigan.

Sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na nais niyang suportahan ang pagsasapinal at completion ng Iloilo-Aklan Expressway na palagian anyang nabibitin ang paggawa.

Kapag natapos anya ang expressway na ito ay mas magiging madali ang byahe sa lalawiagn at mas marami pang turista ang darayo.

Bukod dito ay dapat din anyang palakasin ang medical tourism sa Iloilo dahil ito ay mahalagang bahagi ng pagpapalago ng ekonomiya.

Sinabi naman ni Abalos na pangunahing pagtutuunan ng pansin ang pagpapaganda pang lalo ng paliparan upang magkaroon pa ng mas maraming bisita kasabay na rin ng pagsasaayos ng Panay-Guimaras bridge.

Binigyang-diin din ni Tulfo na kinakaialngang mabuo ang super highway sa lalawigan bukod pa sa pagsasaayos ng mass transportation.(Dang Samson-Garcia)

(Photo: Danny Bacolod)

2

Related posts

Leave a Comment