FOOD SUPPLY TATAGAL PA NG 3 BUWAN

SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang food suppy ng bansa matapos ang pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na nasa 90 araw pa ang kayang itagal ng supply na pagkain “as of November 12.”

Ayon kay Sec. Roque, lalabas na aabot pa ng 88 araw ang food stock ng bansa at kaya pang tumagal ng halos tatlong buwan.

Mabuti na lang din ani Sec. Roque na nakapag-ani na kahit paano ang mga magsasaka bago pa humagupit ang bagyo.

“Sapat-sapat naman po ang ating pagkain. Sa ating bigas, mayroon pa po tayong 90 days supply, at iyong nawala po sa atin ay six days lamang. Kahit papaano pampalubag loob po noong dumating po iyong mga malalakas na bagyo, tayo po ay nakaani na so hindi po masyadong naapektuhan iyong ating pag-ani bagama’t ngayon ay kinakailangan magtanim uli ang ating mga magsasaka,” anito. (CHRISTIAN DALE)

172

Related posts

Leave a Comment