FOOTBRIDGE NG DPWH SA MAYNILA NA DAAN MILYON ANG HALAGA ‘DI MATAPOS-TAPOS — SEN. E. TULFO

ITINUTULAK ni Sen. Erwin Tulfo na paimbestigahan sa Senado ang isang footbridge sa Maynila na bukod sa daan-daang milyong pisong overpriced ay iniwan pa umanong hindi tapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa dokumento na nakuha ni Sen. Tulfo mula sa DPWH, ang “Pasig River Esplanade (foot)bridge” ay pinondohan noong 2019 ng P284,323,019.22 at may haba lang na 350 feet o 107 linear meters.

“From the very start pa lang sobrang overprice na siya dahil lumalabas na mas mahal pa siya sa mga four lane vehicular bridges na naitayo sa Maynila,” ani Sen. Tulfo.

Ayon pa sa senador, “Base sa records ng ahensya, ang Binondo-Intramuros Bridge at ang Estrella-Pantaleon Bridge na kapwa sa Maynila ay nagkakahalaga ng P1.3 million kada metro, pero itong footbridge nasa P2.6 million ang halaga kada metro?”

“Mas mahal pa itong footbridge kumpara sa nasabing dalawang four lane vehicular bridge dyan sa Binondo,” dagdag pa niya.

Anang neophyte senator, dapat ipaliwanag ng DPWH kung bakit mas mahal pa ang footbridge na ito kaysa sa dalawang tulay sa Binondo na daanan ng mga sasakyan.

“Pero ang pinakamasaklap, 6 years na hindi pa tapos ang tulay dahil wala pa sa kalahati ang naitatayo.”

“Ang masama pa, ubos na raw umano ang pondo na P284 million!!!” pahabol ni Tulfo.

Napag-alaman na panahon pa ni DPWH National Capital Regional Dir. Ador Canlas, ngayo’y Undersecretary na, nang maaprubahan at umpisahan ang proyekto.

Ayon pa kay Tulfo,”Tanging si Usec. Canlas lang ang makakasagot kung bakit pinayagan niya ang pagkamahal-mahal na bridge at kung bakit hindi pa ito tapos hanggang ngayon”.

56

Related posts

Leave a Comment