FOREIGN MEDICAL STUDENTS SA SUCs KINUWESTYON SA SENADO

KINUWESTYON ng ilang senador ang pagtanggap ng ilang state universities and colleges ng mga foreign medical student.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2021 budget, sinabi ni Commission on Higher Education Chairman Popoy de Vera na kung siya ang mausunod hindi niya papayagan ang mga dayuhang estudyante sa mga SUC.

“Para po sa akin, kapag SUC ka sa medical program dapat ang estudyante mo, mga Filipino lang pero sa admission ng mga estudyante ay board of regents ang nasusunod,” pahayag ni De Vera nang tanungin siya ni Senador Imee Marcos sa impormasyon na maraming medical student sa SUCs ay mga dayuhan.

“I would like to pick up on something that surprise me. Foreign medical students are allowed to enrolled in SUC because of the decision of board of regents?” nagtatangka namang tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“You spend taxpayers money to educate foreign medical students and I don’t know if it is warranted under the law,” dagdag pa ni Drilon.

Inirekomenda rin ni Drilon sa Senate Committee on Finance na maglagay ng special provision sa proposed budget na hindi dapat payagan ang foreign students sa mga SUC na sinegundahan naman ni Senador Cynthia Villar sa paggiit na limitado lamang ang kapasidad ng mga SUC.

Sinabi naman ni Senate Finance Sub Committee Chairperson Pia Cayetano na pag-aaralan din nila sa paggawa ng special provision ang magiging implikasyon nito sa international linkages ng mga unibersidad lalo na sa rankings.

Ito ay nang aminin ni De Vera na saklaw ng mga requirement para sa international ranking ng mga unibersidad ang accommodation sa foreign students. (DANG SAMSON-GARCIA)

104

Related posts

Leave a Comment