FOREIGN TOURISTS BAWAL PA RIN

PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang pagpasok ng mga dayuhan na may valid visas maliban sa mga turista.

Ito’y matapos baguhin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang naunang resolutuon o IATF Resolution 98, kung saan tinanggal na ang reckoning period na March 16, 2020 sa visas para sa foreign nationals.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, dati-rati, tanging dayuhan na may visas na may petsang “March 20, 2020 onwards” ang pinapayagan na makapasok ng Pilipinas bilang bahagi ng restriksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Ito po iyon mga namumuhunan [sa Pilipinas], nagnenegosyo, nagtatrabaho, may kamag-anak na asawa, anak sa Pilipinas, halos lahat ng dayuhan except ang mga turista,” ayon kay Sec. Roque.

Nananatili namang ipinagbabawal na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na bibisita sa kanilang kasintahan o may romantic relationship. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment