NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang suporta ng hindi bababa sa 2.86% ng mga rehistradong botante, batay sa pinakabagong Pulse Asia survey na isinagawa mula Pebrero 20-26, 2025.
Ito ay nagbibigay ng katiyakan sa party-list ng dalawang upuan sa Mababang Kapulungan kung ginanap ang halalan sa panahon ng survey.
Ang FPJ Panday Bayanihan partylist ay pinangungunahan ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado, Mark Patron, ikalawang nominado, at Hiyas Dolor, ikatlong nominado.
Ang pinakabagong resulta ng survey ay nagpapakita ng kahanga-hangang pag-akyat ng FPJ Panday Bayanihan sa kagustuhan ng mga botante, mula sa ranggo 39 hanggang sa nangungunang 9 sa mga botohan.
Ipinahayag ni Poe ang kanyang pasasalamat sa lumalaking tiwala ng publiko at muling pinagtibay ang pangako ng partido sa makabuluhang pamamahala.
“Sa loob ng dalawang buwan na lamang bago ang araw ng halalan, kami ay nagpapakumbaba at lalong sumisigla sa napakalaking tiwala at suporta ng mga Pilipino. Sa loob ng mahigit isang dekada, walang tigil kaming nagtrabaho upang mapabuti ang mga komunidad sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at proyekto,” ani Poe.
Saad pa ni niya, “Ang tumataas na suporta mula sa mga lider ng sektor at mga organisasyon ng kabataan sa buong bansa ay nagpapakita ng aming determinasyon na magsulong ng mga pagbabago sa batas na magpapabuti sa kalidad ng buhay ng lahat,” ani Poe.
Ang FPJ Panday Bayanihan, na nakatuon sa mga prinsipyo ng Food, Progress, at Justice (FPJ), ay dedikado sa pagpapataas ng antas ng mga kapus-palad na Pilipino at pagtamo ng inklusibo at pangmatagalang mga reporma.
Pinagtutuunan din ng partylist ang pagsusulong ng mga reporma sa lehislatura na magsisilbi sa mga alalahanin ng iba’t ibang grupo, kabilang ang mga manggagawa sa transportasyon, mga komunidad ng mahihirap sa lungsod, mga lider ng kabataan, informal sector, at mga frontliner.
