NAG-IKOT sa ilang bayan at syudad sa lalawigan ng Batangas ang FPJ Bayanihan party-list kasama ang aktor na si Coco Martin.
Bukod kay Coco, present din si Senator Grace Poe na sinusuportahan ang anak at unang nominado ng party-list na si Brian Poe.
Binaybay ng kanilang motorcade ang San Jose Lungsod ng Lipa, Lungsod ng Tanauan at Malvar.
Sinundan ito ng malaking rally sa Biz Hub sa Lima Estate sa Malvar na dinaluhan ng kapatid ng senadora na si Lovi Poe at ang reelectionist na si Senator Lito Lapid.
Sa kanyang talumpati, sinuportahan ni Coco ang FPJ Panday Bayanihan gayundin si Lapid na nakasama niya sa ilang serye.
(DANNY BACOLOD)
