FREEZE ORDER SA YAMAN NG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL – SOJ REMULLA

INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na naglabas na ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa mga indibidwal na iniimbestigahan kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Remulla, ang hakbang ay kasunod ng pagsumite ng sworn affidavit ni dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, na naglantad ng umano’y iregularidad sa mga proyekto.

Kabilang sa mga tinamaan ng freeze order ang ari-arian at bank accounts nina Senador Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, dating Kongresista Mitch Cajayon, at si Alcantara mismo.

Batay sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), ihahain na ang kasong kriminal laban sa mga nabanggit, kabilang ang indirect bribery at malversation of public funds.

“Ang galaw na ito ay bahagi ng seryosong kampanya para managot ang mga sangkot sa korapsyon at para masigurong hindi maipagpapatuloy ang paggamit ng ill-gotten wealth habang gumugulong ang kaso,” diin ni Remulla.

(JULIET PACOT)

57

Related posts

Leave a Comment