GAB KAISA SA ‘DALANGIN SA KAPAYAPAAN’

HINDI lang pang-isport, pangkapayapaan pa.

Nakiisa ang Games and Amusements Board (GAB), kasama ang mga premyadong atleta sa professional sports community, sa ‘online interfaith prayer for peace and reconciliation’ kamakalawa.

Pinangunahan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at ­Com­missioners Eduard Trinidad at Raul Lag­risola ang panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo, partikular sa Ukraine at Russia.

“It is good to know that our country’s sports heroes are the ones championing this call for peace. And it is good to take at least a few minutes to pray for world peace,” pahayag ni Mitra.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang mensahe at panawagan para sa kapayapaan sina volleyball superstar Alyssa Valdez, E-sports champion Andreij “Doujin” Albar, at FIBA 3×3 baller (Chooks-to-Go) Mac Tallo.

“Dagok sa ating lahat ang sigalot na nagaganap sa Russia at Ukraine. Ilang mahuhusay na atleta sa mundo ay nagmula sa naturang mga bansa kung kaya’t nakalulungkot na mawawalan ng halaga ang kanilang mga sakripisyo,” sambit ng GAB chief.

Samantala, ikinatuwa ni Mitra na ibinaba na ng IATF sa Alert Level 1 ­status ang Kamaynilaan at mga karatig lalawigan dahil senyales ito ng muling pagsigla ng professional sports sa bansa.

“Mahabang panahon ding natigil ang ating mga laro, nawalan ng pagkaka­kitaan ang ating mga atleta gayundin ang mga indibidwal na nakadepende sa mga liga. Sa unti-unting pagbabalik sa normal, umaasa kami sa pagbabalik ng mga organizers at promoters para pasiglahin muli ang ating mga liga,” sabi pa ni Mitra. (DENNIS IÑIGO)

160

Related posts

Leave a Comment