ILANG beses na nating nasaksihan ang positibo at napakama tinding epekto ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor. Ngayong panahon ng pandemya ay muli nating nakikita kung paano ito ipinamamalas ng dalawang sektor ng lipunan.
Bagama’t wala pang bakuna laban sa COVID-19, nakatitiyak ako na ito ay magiging daan upang mapagtagumpayan natin ang pan demyang ito. Ang pagtutulungan na ito ang magsisilbing pag-asa at gabay patungo sa muling pag bangon nang sama-sama.
Sa kabila ng isyung kinakaharap ng Meralco at sa suliranin sa billing ng mga customer na kanilang nireresolba, patuloy pa rin ito sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Nangangako ang Meralco na patuloy ito sa pagbibigay serbisyo sa mga customer at sa pagsiguro ng serbisyo ng kuryente 24/7 sa ating mga kabahayan.
Bukod sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa mga customer nito ay nagbibigay din ito ng tulong sa mga komunidad sa loob at labas ng sakop ng Meralco sa pamamagitan ng corporate social responsibility arm nito, ang One Meralco Foundation.
Namigay ng mga personal protective equipment (PPE) ang OMF sa mga frontliners at mga care packages sa bawat pamilya sa mga komunidad na lubos na nangangailangan ng ayuda.
Bumili rin ang OMF ng higit sa apat na tonelada ng mga sariwang gulay na kanilang ipinamigay sa mga ospital, shelter, at mga komunidad na matindi ang pangangailangan. Ito ay isang inisyatiba na isinagawa kasama ang Bayad Center, isa sa mga subsidiary ng Meralco.
Ang proyektong ito ay tinawag na “From the Farmers to the Frontliners (and Marginalized)”. Ito ay naglalayong masiguro na ang mga frontliners at ang mga mamamayang nangangailangan ay magkakaroon pa rin ng sapat na nutrisyon sa kanilang katawan upang malabanan ang virus na COVID-19.
Ang proyekto ay nakatulong din upang madagdagan ang kita ng ating mga magsasaka na ang mga negosyo ay naapektuhan din ng pandemya.
Bukod sa pamimigay ng mga PPE, face mask, face shield, at mga surgical gloves sa mga ospital noong panahon ng ECQ, nagbigay din ng mga desktop computer ang OMF sa Philippine Genome Center, Subic Bay Metropolitan Authority, at Philippine Red Cross bilang suporta sa paglaban sa pandemyang ito.
Sa tulong ng eSakay, isa pang subsidiary ng Meralco, ay nagkaloob sila ng libreng shuttle service para sa 47,000 na mga frontliner at healthcare worker gamit ang mga electric vehicle nito.
Napakahaba pa ng labang ito bago masugpo ng tuluyan ang pandemya ngunit kung patuloy ang ganitong pagtutulungan ng pribadong sektor at pamahalaan, magi ging mabilis ang ating pag-andar patungo sa muling pagbangon. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang Meralco sa ibang miyembro ng pribadong sektor upang mahimok ang iba na makilahok at tumulong sa paglaban sa epekto ng pandemya sa ating bansa.
