GINOONG BERNIE TACOY, PAG-ASA NG MATAG-OB, LEYTE

MAY ilang naglutangang panukala na tila gustong ipagpaliban ang halalan.

Maging ang PDP-Laban ay nais ding palawigin ang panahon ng paghahain ng kandidatura.

Hindi naman sila nagtagumpay dahil ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang hirit.

Tiniyak ng Comelec na tuloy ang pagsasagawa ng national and local elections sa Mayo 9, 2022.

Ito’y kahit na hindi pa raw nakakamit ng Pilipinas ang tinatawag na “herd immunity” laban sa COVID-19.

Ayon kay Comelec spokes­person James Jimenez, wa­lang balakid sa ginagawa nilang preparasyon.

Sa kasalukuyan, mataas na raw ang porsiyento ng ­populasyon na may kumpletong bakuna na. Siyempre, mayorya ang target mabakunahan ng pamahalaan.

Maaabot lamang daw ang herd immunity kapag nabakunahan na ang 70% ng populasyon ng bansa.

Kabilang sa mga pagbabagong gagawin daw ng Comelec ay ang pagdaragdag ng voting precincts.

Plano raw nila itong itaas sa 110,000 mula sa 84,000 na ginamit noong 2019 elections.

Sa ganitong paraan daw ay mabisang maipatutupad ang ‘physical distancing protocol’.

Nariyan din ang pagpapalawak daw sa sakop ng ‘absentee voting’ sa mga may kapansanan at senior citizens para hindi na sila ­magpadagdag ng bilang pagdating sa araw ng eleksyon.

Aba’y dating ibinibigay lamang ito sa mga tauhan ng pamahalaan na nagseserbisyo tuwing halalan, overseas Filipinos, at mga miyembro ng media.

At dahil tuloy-tuloy na nga ang halalan, lalo namang lumalakas ang suporta ng mga tao kay Mr. Bernie Tacoy na tumatakbo sa pagka-alkalde ng Matag-ob, Leyte.

Kalaban niya sa mayoral race si Mayor Michael Torre­villas.

Isa raw sa nagpapahina ngayon sa kasalukuyang ­meyor ay ang pagsuporta raw niya sa panukala laban sa e-sabong o online sabong.

Suportado pa raw ni Torrevillas ang resolusyon laban dito kaya nadidismaya ang mga tao.

Pinuri pa raw ng meyor ang Sangguniang Bayan (SB) sa pagpasa ng resolusyon.

Sa pamamagitan ng reso, aba’y nanawagan daw sila sa Philippine Amusement ­Gaming Corporation (PAGCOR) na huwag payagan ang e-sabong.

Para sa kanila, dapat itong i-ban. Hindi raw ito makabubuti sa mamamayan.

Ang tila hindi alam ni Torrevillas, humihina ang suporta sa kanya ng tao dahil sa kanyang ginagawa.

Marami siyang aalisan ng hanapbuhay at pinagkakakitaan kapag nangyari ito. Sabi ko nga, maraming umaasa sa e-sabong.

Ubod ng dami ang mga taga-Matag-ob na nakasandal sa online sabong. Kaya malamang daw na dito babagsak ang kandidatura ni Torrevillas.

Isa pa, matagal na ring gusto ng mga residente na magkaroon ng pagbabago sa kanilang bayan.

Si Torrevillas daw kasi ay walang solido at epektibong programang magpapaangat sa Matag-ob.

Abangan!

459

Related posts

Leave a Comment