HINIMOK ni Senador Richard Gordon ang gobyerno na tiyakin ang maayos na edukasyon sa lahat ng Pilipino partikular sa kabataan.
Sa kanyang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-124 Independence ng Pilipinas, iginiit ni Gordon na sa pamamagitan ng edukasyon ay mapapanatili ang kalayaang ipinaglaban ng mga bayani.
“As we sojourn to a crossroads in history, let us never forget the sacrifices our forefathers have made for the future generations to experience true freedom,” giit ni Gordon.
Bukod sa edukasyon, umaasa si Gordon na magkakaroon ng malinis, tapat at epektibong pamamahala ang susunod na administrasyon gayundin ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa bawat isa.
“Let us remain free from the chains of oppression, of illegal foreign incursion, poverty, and disinformation. We hope that we are already on the track towards freedom from the pandemic as well,” diin pa nito.
Sinabi naman ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III na dapat sikapin ng bansa na maging malaya sa kahirapan, kawalan ng katarungan, pang-aabuso, di pantay-pantay na pagtrato, at maging sa health at economic crises.
“May we, in solidarity, all work for these so that we may achieve these within our children’s lifetime,” diin ni Pimentel. (Dang Samson-Garcia)
