GOBYERNO PINAGLALATAG NG LONG-TERM STRATEGIES SA EPEKTO NG KALAMIDAD

SA gitna ng malawak na epekto ng panibagong kalamidad sa bansa, iginiit ni Senador Jinggoy Estrada ang pangangailangang makapaglatag ang gobyerno ng long-term strategies at practical solutions upang mabawasan ang panganib na dala ng iba’t ibang kalamidad.

Kaya naman, isinusulong ng senador ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience o DDR isang ahensya na pag-iisahin, palalakasin at isasaayos ang disaster preparedness, response, at recovery efforts.

Iginiit din ni Estrada ang pagsasabatas ng Disaster Food Bank and Stockpile para sa pagbuo ng nationwide network ng food banks at relief supplies para sa mabilis na deployment sa panahon ng emergencies.

Binigyang-diin ng senador na ang disaster resilience ay dapat simulan habang paparating pa lamang ang bagyo sa pamamagitan ng smart planning, readiness, at rapid response capabilities na pangangasiwaan dapat ng DDR.

Sinabi pa ng mambabatas na kadalasan sa panahon ng kalamidad, palaging delayed ang relief efforts dahil sa isyu ng accessibility

Ito ang dahilan kaya’t dapat magkaroon ng food banks malapit sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Binigyang-diin ng senador na kailangan ng taumbayan ang gobyernong hindi lamang handang rumesponde kundi marunong magplano sa mga posibleng pangyayari.(Dang Samson-Garcia)

37

Related posts

Leave a Comment