SINO itong Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) na bumili ng share sa kumpanya ng isang makapangyarihang tao sa gobyerno kahit nalugi ito ng P4 bilyon noong 2024?
Ang masakit, pera ng mga Pilipino na naghihihirap na magtrabaho para makapaghulog lamang ng kontribusyon 2sa GOCC na ito ang ginamit kaya siguradong madudurog ang “puso” ng mga miyembro nito kapag nalaman nila ito.
Tulad ng pagkabasa n’yo, nagdeklara ng P4 billion plus na pagkalugi ang pribadong kumpanya na konektado sa pamilya ng isa sa mataas na lider ng bansa ngayon at para maisalba ang family corporation ay naglabas ng P6 billion preferred shares.
Dahil may puso ang GOCC, P5 bilyon ang halaga ng biniling share sa family corporation na ito ng politiko na may dynasty at makalipas ang isang taon ay nagdeklara ito ng dibidendo na umaabot sa 7.5% kahit alam ng mga nasa business sector na nalulugi sila.
Ang nasabing dibidendo ay ibinigay sa GOCC para tumaba marahil ang kanilang puso dahil nakabangon na kahit papaano ang private company ng pamilya ng politiko ay ibinenta naman nito ang 20% share ng isa pa nilang negosyo sa kanilang sariling kumpanya na matagal na ring nalulugi.
Upang hindi marahil maipit kapag nagkabukuhan, idinistansya ng makapangyarihang politiko ang sarili sa kumpanya subalit kakaba-baka ang mga opisyales ng GOCC na ito dahil maaaring maipit sila kapag nagkataon.
Clue: Tiyak na mapapasigaw “puso” ng mga miyembro ng GOCC na ito ng “eeiiiiiiiiiii ano yan? Pera namin ‘yan bakit hindi niyo sinabi sa amin na bumili kayo ng share sa isang naluluging kumpanya?”
Samantalang si politiko ay may ambisyong pamunuan ang Pilipinas balang araw kahit suntok sa buwan. Makikilala niyo s’ya kapag naglakad dahil nauuna ang kanyang tiyan kesa sa kanyang paa.
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
