INARESTO ng mga operatiba ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District ang isang 47-anyos na Grab driver sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted homicide noong Huwebes ng hapon sa Tondo, Manila.
Kinilala ang suspek na si “Rolando” residente ng Tondo, Manila.
Base sa ulat ni Police Lieutenant Donald Panaligan, hepe ng Theft and Robbery Section, kay Police Lieutenant Damaso Burgos, OIC ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD), bandang alas-5:55 ng hapon nang matunton ang suspek sa Herbosa Street sa Tondo.
Inaresto ang suspek sa pakikipagtulungan ni Police Captain Jerry Campo, OIC ng Criminal Investigation Section (CIS).
Gayunman ang suspek ay maaaring maglagak ng piyansang P36,000 para sa pansamantala nitong paglaya. (RENE CRISOSTOMO)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)