GSIS NAGDAOS NG STAKEHOLDERS’ DIALOGUE

gsis

SA layuning mapabuti pa ang serbisyo sa mga miyembro, nagsagawa ng stakeholders’ dialogue ang Government Service Insurance System o GSIS sa Sequoia Hotel Manila Bay.

Pinangunahan ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso ang dayalogo, at binigyang-diin ang kahalagahan ng feedback mula sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay Veloso, “Bawat bagong hakbang ay bunga ng pakikinig sa ating mga miyembro.”

Ibinida ni Veloso na 99% ng transaksyon sa GSIS ay online na, gamit ang mga digital tools tulad ng GSIS Touch mobile app, facial recognition para sa mga pensionado, at mga Digital Hubs sa mga sangay.

Bukod dito, ibinalita rin ang pinadaling Ginhawa Max Loan Buyout kung saan isang letter of intent na lamang mula sa agency head ang kailangan. Sa kabuuan, nasa ₱413.4 bilyon na ang nailabas na loans sa ilalim ng Ginhawa Flex at Ginhawa Lite programs.

Kasama rin sa mga reporma ang penalty condonation scheme para sa mga hirap makabayad, at tagumpay ng Lease-With-Option-to-Buy program na nakatulong sa mahigit 4,000 pamilya magkaroon ng abot-kayang tahanan.

Pinalawak din ang non-life insurance ng GSIS na ngayon ay sumasaklaw na sa mahigit 130,000 pampublikong paaralan.

Sa naturang pagtitipon, kinilala rin ng GSIS ang mga ahensyang may mataas na kontribusyon sa pagbabayad ng social insurance premiums.

(JULIET PACOT)

38

Related posts

Leave a Comment