GSW LIYAMADO SA 2023 NBA SEASON

MULING tinanghal na NBA champion ang Golden State, matapos talunin ang Boston noong Huwebes (Biyernes sa Manila), 103-90, para sa ikaapat na titulo ng koponan.

Halos katatapos lamang ng panalo, naka-post na agad sa BetMGM ang odds kung saan paborito ang tropa ni coach Steve Kerr para sa 2023 NBA Finals.

Bukod sa NBA champion, inilabas din ng BetMGM ang 2022-23

NBA MVP odds at si Philadelphia 76ers center Joel Embiid ang paborito @ +500. Habang si back-to-back MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets ay pang-apat sa listahan +850. Nasa pangalawang pwesto si Luka Doncic ng Dallas Mavericks (+550) at ­pangatlo si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks (+700).

Narito ang opening odds list sa BetMGM para sa 2023 NBA champion as per Yahoo!Sports:

Golden State Warriors +550
Boston Celtics +650
Brooklyn Nets +700
Los Angeles Clippers +700
Milwaukee Bucks +800
Phoenix Suns +900
Dallas Mavericks +1400
Denver Nuggets +1400
Los Angeles Lakers +1400
Memphis Grizzlies +1400
Miami Heat +1400
Philadelphia 76ers +1400

Maayos ang naging season ng Golden State at inaasahang ganoon din sa susunod na season, lalo’t walang iniindang injury si Klay Thompson. At ang pag-deliber pa ng mga batang manlalaro ng koponan.

ATKINSON LOYAL WARRIOR

TINANGGIHAN ni Golden State Warriors assistant coach Kenny Atkinson ang alok para maging head coach ng Charlotte Hornets, ayon sa ESPN.

Sa halip, mananatili si Atkinson bilang assistant coach ni Steve Kerr sa ­Golden State.

Nagbago umano ang isip ni Atkinson at mas ­makabubuting manatili siya sa Warriors.

Hindi naman malinaw kung ano ang napag-usapan ni Atkinson at ng Hornets para sa head coaching job.

Matatandaan nito lang kasalukuyang buwan, naiulat na ang Hornets ‘agreed in principle’ para kunin ang serbisyo ni Atkinson, kung saan tatanggap siya ng four-year deal mula sa koponan.

Kumalat ang balitang pagtanggi ni Atkinson sa alok ng Hornets ilang araw makaraang talunin ng Warriors ang Boston sa NBA Finals. Ito ang unang season ni Atkinson sa team at una rin niyang championship bilang assistant coach.

Bago naging bahagi ng Golden State, nagsilbi ng ilang taon si Atkinson bilang assistant coach sa New York Knicks at Atlanta Hawks. Kinuha rin siya ng Brooklyn Nets bilang head coach noong 2016-17 season. Nang mag-struggle siya sa unang dalawang season, nagbago ang Nets sa ikatlong taon.

Kinuha ng team sina Kyrie Irving at Kevin Durant sa offseason, pero sinipa si Atkinson kasunod ng 28-34 record sa 2019-20 season. Hindi nakalaro si Durant sa nasabing season sanhi ng Achilles injury. Habang si Irving ay lumalaro lamang hanggang 20 minuto sa team.

Sa pagkasibak ni Atkinson, magpapatuloy ang panunuyo ng Hornets para magiging kapalit ni James Borrego, pinatalsik ng team noong Abril. management of the PSTC. (VT ROMANO)

224

Related posts

Leave a Comment