GURO MINALAS SA FACE MASK NG SEKYU

CAVITE – Tinamaan ng bala ang isang 37-anyos na guro nang mahulog ang service firearm na nakalagay sa sling bag ng isang sekyu habang dinadampot ng huli ang face mask sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Nilalapatan ng lunas sa Imus Medical Center ang biktimang si Angeline Soriano, may-asawa, tubong Batanes, residente ng Block 1, Lot 13, Phase 5, Palermo St., Villa Lessandra, Brgy Salinas 2, Bacoor City, habang kinilala naman ang suspek na si Noel Villanueva Jr., 21, security guard ng Mossad Security Agency at residente ng  Bautista St., Zone 9, Block 85, Lot 26, Brgy. Sampaloc IV, Dasmarinas City.

Sa ulat ni Police Corporal Edilberto Reyes Jr. ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:45 ng umaga noong Lunes nang mangyari ang insidente.

Habang magkasunod na nakapila ang dalawa bilang pagsunod sa social distancing, para bumili sa isang tindahan sa Villa Lessandra sa Phase 5, Brgy. Salinas 2 ng naturang lungsod, nang mahulog ang face mask ng suspek.

Pagyuko ng suspek upang damputin ang kanyang face mask ay nahulog ang baril nito mula sa kanyang sling bag naging dahilan upang pumutok ito at tinamaan ang biktima na nasa kanyang unahan.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang guro habang inaresto ng mga barangay tanod ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

187

Related posts

Leave a Comment