PINAGTIBAY na sa committee level ang panukalang ibaba sa 57-anyos ang optional retirement age ng public school teachers mula sa kasalukuyang 60-anyos.
Sa pagdinig ng House committee on government enterprises and privatization, inaprubahan ang House Bill (HB) 206 upang maagang makapagpahinga ang mga guro.
“Teaching in our country’s public school indeed a challenging occupation, with duties claiming much from teachers not just physically, but emotionally and psychologically as well,” ayon sa pinagtibay na panukala.
Nakasaad sa panukala na bugbog-sarado sa trabaho ang mga public school teacher dahil bagama’t anim na oras lamang silang nagtuturo ay kailangan pa rin nilang gumawa ng lesson plan.
Idagdag pa na ang kanilang mga tinuturuan ay kadalasang hindi bumababa sa 30 kada klase.
“There are also a lot of cases of ‘burnout,’ especially in the teaching profession, due to the mountains of workload they have to perform,” ayon pa sa pinagtibay na panukala.
Dahil dito, nagkakaroon ng kumplikasyon sa kalusugan ng mga guro sa bansa.
“Teacher usually the profession not with satisfied smiles but assaulted by various illness,” ayon pa sa panukala.
Maaari pa ring ipagpatuloy ng guro ang kanilang trabaho hanggang dumating sa compulsory retirement age na 65 upang makuha ng mga ito nang buo ang kanilang retirement benefits. (BERNARD TAGUINOD)
