Hamon sa Palasyo sa dagdag na pondong pambili ng bakuna P25-B ILANTAD SA PUBLIKO

INIHAYAG ni Senador Panfilo Lacson na dapat ilantad at ilatag nang maayos sa publiko ang karagdagang P25 bilyong pondo na kailangan ng pamahalaan upang ipambili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na maaaring mauwi sa labis-labis na suplay ng bakuna, o kaya ay mapunta sa katiwalian ang sitwasyon batay sa kasalukuyang P82.5 bilyon kung mailalaan ang nabanggit na halagang umano’y kinakailangan bilang panustos.

“Based on the arithmetic I did, the P107.5 billion is way too much for buying the vaccines needed to achieve herd immunity – unless they know something we don’t.

But the bottom line is, it is not their money, it’s the public’s. I can only hope the excess amount will not go to corruption,” banggit ni Lacson.

“More importantly, has the government made a commitment to procure the vaccines at such prices? It is important that the officials concerned explain how they will spend the amount. If they have not committed to buy yet, they should exercise restraint in spending our resources which are severely limited already due to the pandemic,” diin ng mambabatas.

Ayon kay Lacson, kung ang P107.5 bilyon ay gagamitin na pambili ng Moderna vaccines sa halagang $26.83 (P1,383) kada turok, kaya nitong makakuha ng 83.78 milyon na dose, kung sa Sinovac sa halagang P683 bawat dose, kayang maiselyo ang 157 million doses na makapagbabakuna nang ganap sa 75 milyong Pinoy na higit sa target na 70 milyon para sa herd immunity.

“Hindi sa nagbibintang tayo pero nag-iingat tayo. Pera nating lahat yan, hindi nila pera yan,” diin ng mambabatas. (ESTONG REYES)

138

Related posts

Leave a Comment