BALITANG NBA Ni VT ROMANO
KULANG sa tao ang Charlotte Hornets, pero hindi ito naging problema, sa pangunguna ni Miles Bridges, may 32 points, sumandal ang team sa best 3-point shooting game nito sa season para talunin ang Hawks, 130-127, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Atlanta.
Bunga ng NBA health protocols, absent sa Charlotte lineup sina LaMelo Ball, Jalen McDaniels, Mason Plumlee at Terry Rozier. Sampung araw silang hindi makalalaro.
Swak ang apat na pukol ni Bridges sa fourth quarter, para sa total 13 points. “I feel like that’s a statement game, let people know that we’re here,” wika niya.
Kumubra naman si Kelly Oubre Jr. ng anim na tres, 28 points total para sa Charlotte, kung saan nakapagtala ang koponan ng season-high 17 3s.
Pinuri ni Hawks coach Nate McMillan ang Hornets, sa kabila ng pagiging short-handed nito. “Probably the best catch-and-shoot team in the league.”
Dagdag niya: “We just really weren’t able to get stops when we needed to. We scored 127 points. That’s more than enough to win the game. It comes down to
defensively being able to stop them and we weren’t able to do that.”
Si John Collins ang top scorer sa Atlanta, may season-best 31 points at 12 rebounds.
Susubukan ng Hornets masundan ang panalo sa pagharap sa Philadelphia 76ers sa Lunes. Habang bibisita naman ang Hawks sa Minnesota sa Martes.
GA-HIBLA PANALO
NG JAZZ SA CAVS
SABLAY ang dapat sana’y game-winner attempt ni Darius Garland sa huling 2.9 seconds at naitakbo ng Utah Jazz ang ga-hiblang 109-108 win kontra Cavaliers, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Cleveland.
Nagtala si Rudy Gobert ng 20 rebounds at five blocks, nagsumite naman si Bojan Bogdanovic ng 16 points at si Rudy Gay, 15 points para sa Utah, gumawa ng 20 3-pointers at pinakawalan ang 15-point lead sa fourth.
May tsansang manalo ang Cavs at ipinaubaya ni coach J.B. Bickerstaff sa kamay ni Garland ang lahat. Subalit ang kanyang 28-footer ay masyadong malayo at hindi rin pumasok ang tip-in ni Jarrett Allen.
Natigil sa apat ang win streak ng Cleveland. Sa kabila nito, sinabi ni coach Bickerstaff na hindi siya magdadalawang isip na ulitin ang kanyang ginawa.
Umiskor si Garland ng 31 points, nagdagdag si Allen ng 17 points at 11 rebounds at si rookie Evan Mobley, 14 points at 12 rebounds para sa Cavs, bumalik sa home matapos ang panalo laban sa Dalas, Miami at Washington.
Unang pagkakataon ito mula 1975 na nakapagtala ang Cavs ng tatlong sunod sa road laban sa mga koponang may winning records.
Itutuloy ng Jazz ang four-game trip sa Miyerkoles laban sa Minnesota. Habang bibisitahin naman ng Cavs ang defending champion Milwaukee Bucks sa Lunes.
WIZARDS NAUTAKAN
NG RAPTORS
UMISKOR si Pascal Siakam ng 31 points, nagdagdag si Precious Achiuwa ng 10 points at 14 rebounds, at tinalo ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 102-90, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa Toronto.
Nag-ambag si Chris Boucher ng 14 points, may 11 points si Scottie Barnes at 10 naman mula kay Fred VanVleet para tulungan ang Raptors sa back-to-back wins sa unang pagkakataon mula nang maitala ang five-game win streak noong Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3.
May season-high 26 points si Kentavious Caldwell-Pope at si Bradley Beal nama’y may 14 para sa ikalawang sunod na talo ng Wizards.
Umabante ang Toronto hanggang 25 points at tinalo ang Washington sa 11th time ng kanilang 13 meetings.
Si Siakam ay 10 for 21 sa field, may nag-iisang 3-point attempt at season-high 10 of 12 free-throws. Mayroon din siyang six rebounds at three assists.
Bibiyahe ang Wizards sa Indiana sa Lunes, iho-host naman ng Raptors ang Oklahoma City sa Miyerkoles.
Sa isa pang laro, tinalo ng Houston Rockets ang New Orleans Pelicans, 118-108.
