HEPE NG CIIS-POM SINIBAK

INIUTOS ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang pag-relieve sa hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Manila (PoM) matapos ang alegasyon ng iregularidad.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon ay inalis muna si Intelligence Officer III Paul Oliver Pacunayen, pinuno ng CIIS Field Station, PoM.

Kabilang si Pacunayen sa nabanggit sa ipinadalang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga concerned officials, employees at stakeholders ng BOC hinggil sa umano ay paglaganap ng smuggling activities sa mga pantalan.

Nasabit din sa liham si CIIS Director Thomas Narcise, dating miyembro ng Task Force Aduana.

Pero si Narcise ay isang presidential appointee, ayon kay Nepomuceno.

Iniutos na ni Nepomuceno ang pagkakasa ng internal investigation sa napaulat na alegasyon at ang pagkakasangkot umano ng mga opisyal.

Si Deputy Commissioner for Intelligence Romy Rosales ang mangunguna sa imbestigasyon.

65

Related posts

Leave a Comment