GAME over na para kay Adolfo Ebilane Echon, alyas “Adol,” isang high value drug personality ng Purok-Kamote Malabon, nang madakip ito ng mga tauhan ni Zambales Police Provincial Office Director PCol. Romano V. Cardiño sa anti-narcotics operation sa Candelaria, Zambales.
Ayon kay Col. Cardiño, nadakip ang drug personality sa ikinasang joint buy-bust operations ng PNP Zambales, sa pangunguna ni P/Lt. Connie E. Calsado, katuwang ang Candelaria MPS, PIU-Zambales at PDEU-Municipal Police sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 3 noong Sabado ng hapon sa Purok-Kamote, Malabon, Candelaria, Zambales.
Ayon sa PNP Zambales, matagal na nilang minamanmanan ang suspek at noong Sabado ay natiyempuhan ng mga operatiba at nakumpiskahan ng .50 grams ng shabu.
Nakakulong na ang suspek sa Candelaria Municipal Police Station. (JESSE KABEL)
137
