(BERNARD TAGUINOD)
SA kabila ng pagkakaroon ng mga batas na nagsasabing karapatan ng publiko na malaman ang yaman ng mga government official na nakapaloob sa kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN), mistulang hindi na ito nasusunod.
Ito ang layon ng imbestigasyon na ipinatawag nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta upang makagawa ng batas para sa istriktong pagpapatupad sa mga batas na may kaugnayan sa SALN.
Ayon sa dalawang mambabatas, sa kanilang inihaing resolusyon na nag-aatas sa House committee on public accounts, malinaw sa Section 17, Article XI ng 1987 Constitution na lahat ng public officials and employees ay dapat magsumite ng kanilang SALN sa sandaling maluklok ang mga ito sa kanilang trabaho.
“It specifically provides that, “in case of the President, the Vice President, the Members of the Cabinet, the Congress, the Supreme Court, the Constitutional Commission and other constitutional offices, and officer of the Armed Forces with general or flag rank, the declaration shall be disclosed to the public in the manner provided by law,” ayon sa resolution nina Defensor at Marcoleta.
Maging sa Section 8 ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and employees ay inulit ang nakasaad sa Saligang Batas na kailangang maghain ang mga ito ng kanilang SALN at may karapatan ang publiko na malaman kung paano nila nakuha ang kanilang yaman.
“Whereas, the filing of the SALN, as laid in several cases decided by the Supreme Court, the latest of which were the Quo Warranto proceedings filed against then Chief Justice Ma. Lourdes
Sereno, is a constitutional and statutory requirements that helps establish the integrity, or lack thereof of a public officials,” ayon pa sa resolusyon nina Defensor at Marcoleta.
Si Sereno ay nabigo umanong maghain ng kanyang SALN mula 2000 hanggang 2005 kahit nagkaroon ito ng trabaho sa gobyerno sa mga nabanggit na taon kaya sinampahan ng kaso kung saan sinabi ng Korte Suprema na “failure to file SALN is clearly a violation of the law. The offense is penal in character and is a clear breach of the ethical standard set for public officials and employees.
It disregard the requirement of transparency as a deterrent to graft and corruption. For these reasons a public official who has failed to comply with the requirement of filing the SALN cannot be said to be of proven integrity and the Court may consider him/her disqualified from holding public office”.
Ginagarantiyahan din anila sa Section 7, Article 3 ng 1987 Constitution at maging sa Executive Order No. 2 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2016 na karapatan ng publiko na malaman at mabusisi ang SALN ng mga public official subalit hindi ito nasusunod.
Nawalan ng pagkakataon ang publiko na masilip at mabusisi ang yaman ng mga public official and employees dahil sa Memorandum ng Office of the Ombudsman noong September 1, 2020 na nagsasaad na makukuha lamang ang kopya ng SALN kung may otorisasyon ng taong nagmamay-ari ng SALN.
Dahil dito, inatasan ng dalawang mambabatas ang House committee on public accounts na magsagawa ng imbestigasyon kung bakit sa kabila ng napakaraming batas na nagbibigay karapatan sa publiko na makita at mabusisi ang SALN ng mga public official and employees ay hindi ito naipatutupad.
‘Resolved, further, that the committee shall determine policy gaps and formulate mandatory measures, including passage of the proposed People’s Right to Information Act that will apply to all branches of government, to help protect the integrity of public service, and ensure that any elected or appointed officials or employees shall be transparent and accountable for his or her actions at all times,” ayon pa sa resolusyon nina Defensor at Marcoleta.
282
