(CHRISTIAN DALE)
NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyan ng mas maayos na suporta ng gobyerno ang national athletes para hasain pa ang kanilang mga potensiyal.
Kasabay nito ang pagbati ng Pangulo sa Philippine Women’s National Football team Filipinas para sa makasaysayang pagkapanalo ng mga ito laban sa Thailand nitong nagdaang linggo.
“We have to do better in terms of government support when it comes to our athletes. Medyo nabawasan nung nawala ‘yung sports sa eskuwelahan, when DECS (Department of Education, Culture and Sports) became Department of Education alone, the emphasis on sport became a little bit less,” ayon kay Pangulong Marcos nang mag-courtesy call ang Philippine Women’s National Football team Filipinas sa kanya sa Malakanyang, noong Miyerkoles.
“But that is something that we really should encourage because sport means more than just playing games. It means developing discipline, learning how to sacrifice, learning to be gracious in victory, learning to work with other people as a team,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ng Pangulo na ang pagkapanalo ng team Filipinas ay nakapagbigay ng labis na kasiyahan at karangalan na maging isang Pilipino.
“The win is the greatest gift that you have given your country,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“So I thank you very much, and I congratulate you for this great achievement and great championship,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
Pinuri rin ng Chief Executive ang team para sa sakripisyo at dedikasyon ng mga ito lalo pa’t naharap sa maraming pagsubok dahil sa pandemic-induced restrictions.
Sa kabila ng health crisis, napanatili ng mga miyembro ng team Filipinas ang kanilang “fitness, skills and teamwork.”
Gumawa ng makasaysayang pag-agaw ang Philippine National Women’s Football team sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship 2022, nang patalsikin ang four-time champion Thailand sa finals, 3-0.
Ito ang unang korona ng Pilipinas mula noong 2004.
Ang panalong ito ay isa pang pahina sa kasaysayan ng Philippine football, na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.
195 