HOUSE PROBE VS SMUGGLED STEEL PRODUCTS APRUB SA BOC

SMUGGLED STEEL PRODUCTS

(Ni Joel O. Amongo)

Aprub at suportado ng Bureau of Customs (BOC) ang House Bill 379 na inihain ng House of Representatives Committee na layong imbestigahan ang hinihinalang smuggling ng  sub standard na steel products sa bansa.

Kasabay ito  ng pagtiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa publiko na makikipagtulungan ang Customs na imbestigahan ang kanilang kawani.

Ang gagawing imbestigasyon ng  Kongreso ay bahagi pa rin ng imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission at Kamara sa pa­ngunguna  ni Agusan Del Norte 1st District Representative Lemuel Fortun na siyang naghain ng panukala.

Ayon pa kay Guerrero, ang BOC  ay nakahandang magbigay ng impormasyon kaugnay sa ilegal at iregular na aktibidad ng hinihinalang tiwaling importers at brokers na nakikipagsabwatan sa ­ilang empleyado ng BOC.

Patuloy umano ang  pagsisikap ng ahensiya na mawala ang masasamang damo o tiwali at masampahan ng mga kaukulang kaso sa Office of the Ombudsman.

Una nang  nag-isyu ang ahensiya  ng ‘show cause orders’ sa mga personnel na pinaghihinalaang gu­magawa ng iregularidad.

Sa katunayan, ang  BOC ay kumuha ng serbisyo ng industry experts para tiyakin ang pag-audit ng industry imports na pumapasok sa bansa.

Partikular dito ang Post Clearance Audit Group (PCAG) na naging aktibo sa kanilang isinasagawang post audit sa importers.

Pinamumunuan ang PCAG  ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla kung saan sinabi nitong ang apat na malalaking steel companies ay isinailalim sa post clearance audit upang tiyakin na walang iregularidad na nangyari sa mga nakaraang importasyon.

Wala umano silang sinayang na panahon laban sa mga nagpapasok ng hindi de-kalidad na bakal sa bansa.

Dagdag pa ng opis­yal, ang tiwaling importers ay kailangang magbayad ng multa at singilin nang mula 125% hanggang 600% bilang kabayaran sa kanilang pandaraya sa  pamamagitan ng mga mali nilang deklaras­yon.

167

Related posts

Leave a Comment