ILLEGAL RECRUITER NABITAG NG PNP-AKG

MULING nakaiskor ang mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo laban sa mga kriminal nang madakip ang isang top 7 most wanted person sa regional level sa Nattanzan, Iguig, Cagayan.

Kinilala ni P/BGen. Estomo ang suspek na si Norma Datul, may kasong illegal recruitment and estafa.

Ayon sa ulat, noong Abril 14, dakong 11:30 ng umaga, ang mga operatiba sa pangunguna ni P/Maj. Alexander B. Tenorio, sa ilalim ni P/Lt. Col. Wilfredo V. Sy, ng SOU, kasama ang mga operatiba ng Iguig MPS at MPD Crime Investigation Section, ay nagsagawa ng operasyon base sa nakalap na impormasyon na ang suspek ay namataan sa Iguig, Cagayan.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Dennah Aguila-Topacio, presiding judge ng RTC Branch 42, NCR Judicial Region, Manila.

Inirekomenda ng korte sa suspek ang P288,000 piyansa para sa pansamantala nitong paglaya.

Ayon sa record ng pulisya, ang suspek ay sangkot sa serye ng illegal recruitments, swindling at estafa sa NCR at Region 2.

Umuwi ang suspek sa Cagayan at halos 10 taong nagtago makaraang lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

401

Related posts

Leave a Comment