INILUNSAD kahapon sa Maynila ang bagong proyekto ng International Labour Organization o ILO na “Advancing Digital and Green Skills for Youth in ASEAN” na layong sanayin ang kabataan sa Pilipinas at Thailand para sa makabagong konstruksyon na mas ligtas sa kalikasan at mas epektibo.
Sa keynote speech ni Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Carmela Torres, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsasanay sa kabataan para sa isang makatarungan at mas sustainable na hinaharap sa sektor ng konstruksyon.
Sa tulong ng ILO/Korea Partnership Programme, bubuo ng mga industry-led training at apprenticeship programs para matugunan ang pangangailangan ng industriya.
Ayon sa ILO, ang proyektong ito ay tatagal hanggang Disyembre 2026 at layong palakasin ang skills mobility sa buong ASEAN.
Dinaluhan din ang programa ng iba’t ibang speakers na ginanap sa Bayleaf Hotel sa Intramuros, Manila.
Kabilang sina Mr. Khalid Hassan, Country Director, ILO Country Office for the Phils., Mr. Hochuk Shin, Chief Technical Advisor, ILO/Korea Partnership Programme at Usec. Carmela Torres, DOLE HR.
(JULIET PACOT)
