IMBESTIGASYON NG PACC SA KORAPSYON APRUB SA BOC

PACC-BOC

(Ni Boy Anacta)

Aprub sa Bureau of Customs (BOC) ang kasalukuyang isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa ilang empleyado ng Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP) na umano’y sangkot sa smuggling at hindi awto­risadong pag-release ng shipments.

Kasunod ito sa pagsilbi ng subpoenas sa mga sangkot.

Una nang tiniyak ni  BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mananatili ang polisiya ng ahensya  sa pagpapatupad ng reporma upang tuluyan nang malinis ito mula sa  katiwalian.

Sa katunayan simula Nobyembre 2018, ang BOC ay nag-isyu ng show-cause order laban sa 127 Customs employees para sa hindi pagsunod sa kasalukuyang Customs rules at regulations.

Bukod dito, 23 administratibo at 25 kriminal na kaso ang isinampa laban sa mga tiwaling Customs personnel sa ilalim ng administrasyon ni Guerrero.

Kaugnay nito, marami nang Customs personnel ang nasibak mula sa kani-kanilang serbisyo ngayong taon dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Kasama sa mga ito ay ang POM Customs guard na nag-ugat mula sa reklamo sa pamamagitan ng hotline 8484.

Ang nasabing hotline ay inestablisa noong Agosto 2019 para makatulong sa Bureau para malinis mula sa pagkasanay ng katiwalian.

Matatandaang nagpatupad din ng “No Contact Policy” na inimplementa ng Accounts Management Office (AMO) sa pamamagitan ng Customer Care Portal System (CCPS).

Ang CCPS ay ipina­kilala noong Hunyo 17, 2019, isang web-based application na nakadisenyo para hanapin ang red tape at palakasin ang transparency at kahusayan sa paghahatid ng Customs services.

Sa pamamagitan ng nasabing sistema, ang importers at Customs brokers ay maaaring mag-apply online para sa akreditasyon sa BOC na walang face-to-face transactions sa Customs personnel.

Sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 17,500 importers at 2,200 Customs brokers ang aktibong nakikipag-transact sa BOC.

Ayon kay BOC Spokesperson at Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, nakipag-ugnayan ang ahensya sa PACC sa mga dokumento para ma­gamit nito sa kanilang evaluation and investigation.

“This cooperation with PACC is part of our continuous campaign against corruption which is one of the priorities that the Commissioner has been emphasizing since his assumption as Customs chief,” ayon kay Maronilla.

156

Related posts

Leave a Comment