IMPEACHMENT VS. SARA MAAANTALA KAPAG TOTOO ICC WARRANT

POSIBLENG maantala ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung kasama ito sa ipinapaaresto ng International Criminal Court (ICC) lalo na kung mahuli.

“Medyo maantala ang impeachment trial,” pag-amin ng isa sa mga 12 House prosecution panel na si Manila District III representative Joel Chua matapos umugong na naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag ng mambabatas na may mga article of impeachment ang kailangan umano ang presensya ni VP Duterte sa Impeachment Court kaya kung kasama ito sa inisyuhan ng arrest warrant at mahuli posibleng madelay ang paglilitis.

Sa testimonya ng isa sa witness ng ICC na si Arturo Lascanas, itinuro nito si VP Sara na utak ng Oplan Tokhang na sinimulang iimplementa noong unang maging Mayor ito ng Davao City at ginamit ito sa war on drugs ng kanyang ama.

Dahil dito, posibleng kasama umano si VP Sara sa arrest warrant kaya nang pumunta ang mga ito sa Hongkong kasama ang kanyang ama ay lumutang ang haka-haka na tumakas na ang mga ito upang iwasan na maaresto.

“Kung saka-sakaling ganun po (kasama sa arrest warrant), I think, kung ganun ang mangyayari eh magkakaroon talaga ng pagka-delay o magkakaroon tayo ng problema dito sa impeachment,” paliwanag ni Chua.

Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na tuloy tuloy pa rin ang preparasyon ng mga ito sa impeachment trial ay may kanya-kanyang toka na ang 12 prosecution palen sa mga 7 article of impeachment laban kay VP Duterte.

Samantala, hinamon naman ni Kabataan party-list representative Raoul Danniel Manuel si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kung totoo ang arrest warrant laban sa dating Pangulo ay dapat ipatupad ito aniya ito sa lalong madaling panahon.

“The Marcos Jr. admin should cooperate with the ICC, not with the Duterte’s. Tama na ang play safe. Dahil sa pakikipaglaro ni Marcos Jr, nagkaka-air time pa ang sad boy tactics ni Digong na umarte bilang martir. Proud pa siya sa mga krimen niya! Di dapat bigyan ng puwang na magmaniobra pa at tumakas si Digong,” ani Manuel. (PRIMITIVO MAKILING)

4

Related posts

Leave a Comment