Inaprubahan ng CSC sa gov’t workers PASOK SA OPISINA 4 DAYS A WEEK LANG

APRUBADO sa Civil Service Commission (CSC) ang isang araw na work-from-home kada linggo ng mga kawani ng pamahalaan.

Sa Laging Handa public briefing, tinuran ni CSC Commissioner Atty Aileen Lizada na pinapayagan sa ilalim ng flexible work arrangement ang work-from-home, may pandemya man o wala.

Magkagayon man, maaari lamang ang naturang arrangement kung ang trabaho ay aplikable para sa work-from-home.

Bukod sa nasabing set up, saklaw ng flexible work arrangement ang flexi time, skeletal workforce, work shifting at compressed work week na ang dapat lang matiyak ay mabubuo ang 40 required hrs a week na pagtatrabaho. (CHRISTIAN DALE)

164

Related posts

Leave a Comment